So ngayon, gusto kong i-share ang mga pwede nating pasukan ngayong panahon ng Pandemic. ito ay mga pasok at patok ngayong may problema tayo sa paligid, iyon nga ang Covid19. sabi nga nila, para makaiwas sa sakit, kailangan nating manatili sa ating bahay. pero paano ba tayo mabubuhay kung hindi tayo mag ta-trabaho.
Kung familiar ka sa mga Food deliveries, kagaya na lamang ng Food Panda? Grab at mga iba pang mga nag aalok ng mga trabaho. ang tangi mo lang kailangan ay syempre mayroon kang motor upang iyong gagamitin sa pag dedeliver ng pagkain. subalit, may mga lugar din na hindi mo na kailangan ito. may mga biseklita ay ginagamit din.
Paano nga ba pumasok sa Food Panda Grab?
Motorcycle / Bicycle - Pangunahin na kailangan para maka pag provide ka ng service sa tao, o iyong mga taong gusto na lamang magpa deliver ng kanilang kakainin. Iyon ang part na kailangan mong mag deliver gamit ang iyong motorseklo upang ma provide mo ang iyong serbisyo bilang isang Food Panda o Grab Rider.
Drivers License - Ang mga rider ng Food Panda o Grab at iba pa, meroon silang Professional na lisensya, kasi ang Non-Pro o Non Professional ay gamit lamang sa mga pang private na sasakyan. kailangan din na magkaroon ka ng Professional drivers license para kahit na mapara ka, ay pasok at walang huli.
Android / IOS Phone - kinakailangan din mayroon kang Android Phone, gamit nito. malalaman mo ang mga orders, at syempre makaka install ka ng Food Panda at Grab na application na i download mo sa Playstore. gamit nito, may laya kang i browse ang app, at dito mo rin malalaman ang mga orders at bookings na ibabato sayo.
Load - Kinakailangan din ng load na data para maka connect ka sa internet, habang nasa daan ka, ay kailangan mong i-check ang system para narin malaman mo ang mga mangyayari o kailangan mong i-deliver sa araw na iyon.
Paano ba mag apply sa Food Panda o Grab?
Mayroon silang office malapit sa iyong location, o kaya i search mo ang Food Panda o Grab how to apply sa iyong Mobile Phone o kaya gamit ang iyong computer, marami silang kailangan na rider para narin matugunan ang kanilang mga nag a apply na mag pa deliver.
Sana ay makatulong ang post na ito para makapasok ka sa trabaho. tandaan, walang umaangat o yumayaman kung walang dedikasyon at sipag sa trabaho.
Food Panda DeliveriesGrab Deliveries


0 comments:
Post a Comment