Monday, April 12, 2021

Negosyong Patok Iponaryo Mga Tips na Negosyo Ngayong Panahon ng Pandemya

Its been a while i think almost 2nd year na noong nagsimula ang Pandemic hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong Mundo. bakit nga ba tayo humantong sa ganitong pangyayari, akala natin noong una, madali lang, kakaunti lang ang nagkakasakit. pero hindi natin namalayan biglang laki na ng nagkakasakit, ang masakit pa noon, maraming nagsarang mga negosyo, at namatay na Ekonomiya. 

Paano na nga ba tayo? paano tayo mamumuhay? paano tayo makakaahon sa ganitong sitwasyon? kung tatagal pa ang pandemic na ito, hindi ko alam kung san tayo pupulutin. masakit man sa ating lahat pero kailangan nating mabuhay kahit may virus na dulot ng Covid19. ano nga ba ang mga dapat nating gawin?

Oo isa ako sa mga taong naguguluhan kung paano mabubuhay sa ganitong panahon ng pandemya, at habang sinusulat ko ang post na ito, nag iisip din ako kung paano nga ba mabuhay at kung ano ang mga bagay na pwede nating pagkakitaan ngayong pandemic. 

Sa susunod na mga post, ay ibabahagi ko sa inyo kung paano tayo mabubuhay sa mga ililista kung mga paraan para magkaroon ng pera ang ating bulsa. 

Mahirap sa mahirap, pero mas mahirap kung iyong may paraan naman pero nakaupo lang tayo sa ating silya, nakaupo at walang ginagawa. sabi nga nila, "kung may buhay, may pagasa". oo hinamon ko na ang salitang ito, at napatunayan kong totoo nga ito kung ating susubukan, pero hindi ito magkakatotoo kung hindi natin ito gagawin. 

Simulan ko muna sa pag bigay ng mga idea kung ano ano ang mga bagay na pwede nating pagkakitaan sa tulong narin ng mga ibang nakasubok na, at ito nga ang mga iyon.

1. Medical Supplies - Kung may kaunti tayong na i pundar, pwede tayong mag simula ng maliit na negosyo. maari tayong mag benta online sa makatuwirang presyo at makahanap syempre ng tamang supplier. dahil narin sa problema natin ay Pandemic hindi lang sa ating Bansa kundi sa buong Mundo, kailangan nating magkaroon ng kita at patok ang pagbebenta ng mga medical supplies.

2. Cleaning Materials / Cleaning Services - May mga nakikita akong mga patok na trabaho kagaya na lamang ng paglilinis nga mga bagay bagay na pwede nating pagkakitaan, pwede rin nating i offer sa mga nangangailangan dahil baka busy sila sa mga ibang bagay, bakit hindi mo i offer ang iyong serbisyo.

3. Food / Delivery Services - Isang Patok ngayon, ang Food Delivery kagaya na lamang ng Food Panda, Grab at iba pang mga sumisikat na Delivery ngayon. dahil maraming mga tao ang hindi nakakalabas sa kanilang tahanan, sila ngayon ay umaasa sa mga Food Delivery para maihatid sa tamang oras ang kanilang pagkain na order sa nasabing delivery services.

Tips: may mga nangangailangan ng Professional drivers license, pero mayroon din naman tumatanggap ng mga delivery service kahit Non Professional lamang ang iyong licensya. kung gusto mong kumuha ng iyong licensya, sumadya lamang sa pinakamalapit na LTO sa iyong lugar.

4. Video Conference / Video Tutorial - Kung maalam ka naman sa mga bagay bagay gamit ang iyong talent sa computer, at mga bagay na gusto mong i share sa mga tao, bakit hindi ka gumawa ng mga video tutorials, target nito ang mga taong walang ka idea idea sa mga bagay bagay. kahit sa simpleng "Paano magluto ng Adobo" ay patok na patok ngayon sa internet.

5. Online Gaming / Streaming - Ito naman ay isang popular na ginagawa ng mga gamers sa buong mundo, nag si Share sila ng mga larong patok ngayon, at pinapanood naman ng kanilang mga fans/subscribers sa popular na Facebook at YouTube, kung maalam ka sa mga laro bakit hindi mo ito pagkakitaan. nag eenjoy kana, kumikita kapa.

6. Entertainment / Blogging / Vlogging - Ito naman ang isang paborito kung gawin, ang magsulat ng magsulat at pino post ko online, sa mga mahilig na magbasa, sa mga mahilig naman na magkaroon ng mga binabasa, dito ang aming tambayan, ang Blogger ay ang pagsusulat sa mga website, at ang Vlogger naman ay sila ang mga gumagamit ng kanilang video.

7. Technology / Cellphone and Computer Repair - Maalam ka ba sa mga cellphone repair? sa computer repair? heto ang isang patok ngayong pandemic, pwede kang mag post online para sa iyong serbisyo at iyo itong ipost para magkaroon ka ng mga customers.

0 comments:

Post a Comment