Friday, April 16, 2021

How to Apply sa Selecta Ice Cream Bilang Isang Salesman | Idea's and Requirements

Sa dalawang unang sinulat ko, kung paano magkakaroon ng pagkakakitaan ngayong panahon ng pandemic ngayon, magbibigay nanaman ako ng isang tips kung paano magkaroon ng pagkakakitaan. may mga nakikita ka bang nag lalako ng Ice Cream? o iyong mga nag dedeliver ng Ice Cream sa Tindahan? yes, in this post i want to share how will you apply and earn money ftom delivering Ice Cream sa tindahan at kung paano mag apply.

Selecta Ice Cream, kilala naman natin ang Selecta dahil ito ang number one brand dito sa Pilipinas. ngayon gusto kong i-share sa inyo kung paano mag Apply sa kanila at kung ano ano ang programang pwede mong i apply sa kanila. umpisahan ko na.

Regular Store - Ang Regular store ay ang store kung saan pinupuntahan ng Salesman ng Selecta at kukuhanan ng order, itong store na ito ay napahiraman ng Freezer upang mag benta sa kanyang store. ngayon, kung gusto mong mag apply bilang isang Regular Store, hanapin lamang ang Page ng Selecta at mag iwan ng mensahe, kahit saan ka man sa Pilipinas pwede kang mag apply, nakadepende ito sa location.

Regular Salesman - Nabanggit ko kanina, ang regular Salesman ay ang ahente na nagpupunta sa Store upang kumuha ng order ng may ari ng store, siya namang pupuntahan ng truck para mag deliver ng Ice Cream ng tindahan. pwede ka ding mag apply bilang isang Salesman ng Selecta kahit saan ka man dito sa Pilipinas, pwede mong hanapin ang Selecta Official Page sa Facebook at mag iwan lamang ng mensahe.

Community Seller - Parehas lang din na magbebenta ka ng Ice Cream, ang Community Seller ay ang klase ng may ari ng tindahan na palaging nag po post ng produkto nito sa social media, kagaya ng Facebook, Twitter at iba pa. i post mo ang benebenta mong Ice Cream at makikita ito ng iyong kapitbahay. sila ngayon ang iyong customer. pwede mo rin itong applyan sa Selecta Page.

Hapi Dealer - |Ang Hapi Dealer ay ang isang programa ni Selecta na pwede kang maging mini distributor mo mismo sa iyong Barangay. ikaw ang mag susupply sa lahat ng stores na ililipat sa iyo ng Regular Salesman, at Dealer narin ang magbubukas sa mga bagong tindahan.

Hapi Coordinator - Kagaya ng Regular Salesman, pwede kang mag apply dito sa position na ito, ikaw ang salesman ng Hapi Dealer at ano man ang concern ng Dealer ay iyong trabaho.

Marami pang mga pwede mong applyan sa Selecta, pumunta ka lang sa Page nila at tiyak ay makaka pasok ka. samahan mo lang ng dedication upang magtagal sa trabaho.

Ano ang kailangan bago mag apply

May sariling Motor at Driver's License and updated resume. 

Tuesday, April 13, 2021

Paano Mag Apply sa FoodPanda at Grab | 2021 Latest Requirements

 So ngayon, gusto kong i-share ang mga pwede nating pasukan ngayong panahon ng Pandemic. ito ay mga pasok at patok ngayong may problema tayo sa paligid, iyon nga ang Covid19. sabi nga nila, para makaiwas sa sakit, kailangan nating manatili sa ating bahay. pero paano ba tayo mabubuhay kung hindi tayo mag ta-trabaho.

Kung familiar ka sa mga Food deliveries, kagaya na lamang ng Food Panda? Grab at mga iba pang mga nag aalok ng mga trabaho. ang tangi mo lang kailangan ay syempre mayroon kang motor upang iyong gagamitin sa pag dedeliver ng pagkain. subalit, may mga lugar din na hindi mo na kailangan ito. may mga biseklita ay ginagamit din.

Paano nga ba pumasok sa Food Panda Grab?

Motorcycle / Bicycle - Pangunahin na kailangan para maka pag provide ka ng service sa tao, o iyong mga taong gusto na lamang magpa deliver ng kanilang kakainin. Iyon ang part na kailangan mong mag deliver gamit ang iyong motorseklo upang ma provide mo ang iyong serbisyo bilang isang Food Panda o Grab Rider.

Drivers License - Ang mga rider ng Food Panda o Grab at iba pa, meroon silang Professional na lisensya, kasi ang Non-Pro o Non Professional ay gamit lamang sa mga pang private na sasakyan. kailangan din na magkaroon ka ng Professional drivers license para kahit na mapara ka, ay pasok at walang huli. 

Android / IOS Phone - kinakailangan din mayroon kang Android Phone, gamit nito. malalaman mo ang mga orders, at syempre makaka install ka ng Food Panda at Grab na application na i download mo sa Playstore. gamit nito, may laya kang i browse ang app, at dito mo rin malalaman ang mga orders at bookings na ibabato sayo.

Load - Kinakailangan din ng load na data para maka connect ka sa internet, habang nasa daan ka, ay kailangan mong i-check ang system para narin malaman mo ang mga mangyayari o kailangan mong i-deliver sa araw na iyon.

Paano ba mag apply sa Food Panda o Grab? 

Mayroon silang office malapit sa iyong location, o kaya i search mo ang Food Panda o Grab how to apply sa iyong Mobile Phone o kaya gamit ang iyong computer, marami silang kailangan na rider para narin matugunan ang kanilang mga nag a apply na mag pa deliver.

Sana ay makatulong ang post na ito para makapasok ka sa trabaho. tandaan, walang umaangat o yumayaman kung walang dedikasyon at sipag sa trabaho.

Food Panda Deliveries
Grab Deliveries
How to Apply to FoodPanda and Grab 2021
Requirements to Apply Food Panda and Grab 2021

Monday, April 12, 2021

Negosyong Patok Iponaryo Mga Tips na Negosyo Ngayong Panahon ng Pandemya

Its been a while i think almost 2nd year na noong nagsimula ang Pandemic hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong Mundo. bakit nga ba tayo humantong sa ganitong pangyayari, akala natin noong una, madali lang, kakaunti lang ang nagkakasakit. pero hindi natin namalayan biglang laki na ng nagkakasakit, ang masakit pa noon, maraming nagsarang mga negosyo, at namatay na Ekonomiya. 

Paano na nga ba tayo? paano tayo mamumuhay? paano tayo makakaahon sa ganitong sitwasyon? kung tatagal pa ang pandemic na ito, hindi ko alam kung san tayo pupulutin. masakit man sa ating lahat pero kailangan nating mabuhay kahit may virus na dulot ng Covid19. ano nga ba ang mga dapat nating gawin?

Oo isa ako sa mga taong naguguluhan kung paano mabubuhay sa ganitong panahon ng pandemya, at habang sinusulat ko ang post na ito, nag iisip din ako kung paano nga ba mabuhay at kung ano ang mga bagay na pwede nating pagkakitaan ngayong pandemic. 

Sa susunod na mga post, ay ibabahagi ko sa inyo kung paano tayo mabubuhay sa mga ililista kung mga paraan para magkaroon ng pera ang ating bulsa. 

Mahirap sa mahirap, pero mas mahirap kung iyong may paraan naman pero nakaupo lang tayo sa ating silya, nakaupo at walang ginagawa. sabi nga nila, "kung may buhay, may pagasa". oo hinamon ko na ang salitang ito, at napatunayan kong totoo nga ito kung ating susubukan, pero hindi ito magkakatotoo kung hindi natin ito gagawin. 

Simulan ko muna sa pag bigay ng mga idea kung ano ano ang mga bagay na pwede nating pagkakitaan sa tulong narin ng mga ibang nakasubok na, at ito nga ang mga iyon.

1. Medical Supplies - Kung may kaunti tayong na i pundar, pwede tayong mag simula ng maliit na negosyo. maari tayong mag benta online sa makatuwirang presyo at makahanap syempre ng tamang supplier. dahil narin sa problema natin ay Pandemic hindi lang sa ating Bansa kundi sa buong Mundo, kailangan nating magkaroon ng kita at patok ang pagbebenta ng mga medical supplies.

2. Cleaning Materials / Cleaning Services - May mga nakikita akong mga patok na trabaho kagaya na lamang ng paglilinis nga mga bagay bagay na pwede nating pagkakitaan, pwede rin nating i offer sa mga nangangailangan dahil baka busy sila sa mga ibang bagay, bakit hindi mo i offer ang iyong serbisyo.

3. Food / Delivery Services - Isang Patok ngayon, ang Food Delivery kagaya na lamang ng Food Panda, Grab at iba pang mga sumisikat na Delivery ngayon. dahil maraming mga tao ang hindi nakakalabas sa kanilang tahanan, sila ngayon ay umaasa sa mga Food Delivery para maihatid sa tamang oras ang kanilang pagkain na order sa nasabing delivery services.

Tips: may mga nangangailangan ng Professional drivers license, pero mayroon din naman tumatanggap ng mga delivery service kahit Non Professional lamang ang iyong licensya. kung gusto mong kumuha ng iyong licensya, sumadya lamang sa pinakamalapit na LTO sa iyong lugar.

4. Video Conference / Video Tutorial - Kung maalam ka naman sa mga bagay bagay gamit ang iyong talent sa computer, at mga bagay na gusto mong i share sa mga tao, bakit hindi ka gumawa ng mga video tutorials, target nito ang mga taong walang ka idea idea sa mga bagay bagay. kahit sa simpleng "Paano magluto ng Adobo" ay patok na patok ngayon sa internet.

5. Online Gaming / Streaming - Ito naman ay isang popular na ginagawa ng mga gamers sa buong mundo, nag si Share sila ng mga larong patok ngayon, at pinapanood naman ng kanilang mga fans/subscribers sa popular na Facebook at YouTube, kung maalam ka sa mga laro bakit hindi mo ito pagkakitaan. nag eenjoy kana, kumikita kapa.

6. Entertainment / Blogging / Vlogging - Ito naman ang isang paborito kung gawin, ang magsulat ng magsulat at pino post ko online, sa mga mahilig na magbasa, sa mga mahilig naman na magkaroon ng mga binabasa, dito ang aming tambayan, ang Blogger ay ang pagsusulat sa mga website, at ang Vlogger naman ay sila ang mga gumagamit ng kanilang video.

7. Technology / Cellphone and Computer Repair - Maalam ka ba sa mga cellphone repair? sa computer repair? heto ang isang patok ngayong pandemic, pwede kang mag post online para sa iyong serbisyo at iyo itong ipost para magkaroon ka ng mga customers.